Linggo, Agosto 7, 2016

DO FRIENDSHIP LASTS?


BAKIT NGA BA?


Naranasan niyo na bang maiwan? Alam niyo ba kung gaano kasakit maiwan? Akala ko matatag kami pero masyado atang magandang panaginip ang matupad iyon.

Isang magandang bangungot na hindi mo mamamalayang gising kana pala sa katotohanan.

Wala nga siguro talagang permanente sa mundo. It seems everything and everyone breaks.

Trust. Napakahirap hagilapin. Pati nga sarili mo kung minsan di mo na alam kung dapat pang pagkatiwalaan. Worst, baka di mo na kilala kung sino ka.

Siguro dumadating lang talaga sa punto na sawa na kayong magkakasama tapos maaring dun na din masisira lahat ng pinagsamahan niyo.

Akala ko  kasi we can trust each other. Now what happened? Is this betrayal? I'm dismayed. I thought this bond of us will be forever.

I do believe there's forever, It does exist. It may die but can grow again though it may be hard. Bakit may forever? Kasi may salitang forever. Period. No more explanation needed.

Though they ought to prove me wrong. I want to have faith that we could still be together forever. But if our behaviors don't match then let it be.

I wanna ask them one by one, is this all what our friendship worth for? Are we gonna stop here already?

Akala ko pare-parehas kami ng hangarin. Turns out not. I can't explain this shitty situation. Bakit ganun? Parang nagbago na lahat,

Why would they dare to hurt each other's feelings? When we almost treat each other like sisters.

Guess we're being too innocent. Are we wrong?

I think I really just need to love myself. Nonetheless, all I have and all I can trust now is myself.

Lunes, Enero 4, 2016

Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?

Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?


        Papunta na nga ba sa daang matuwid ang ekonomiya ng ating bansa? Saan na nga ba ito nakarating? Unti-unti ng nakakamit ng Pilipinas ang kaunlarang inaasam asam nito. Dahil ang kaunlaran ay minsan lang kung ating matikman at waring pansamantala lamang, huwag nating hayaang mawala pa ito sa atin gayong abot-kamay na natin ito.
        Hindi lingid sa ating kaalaman na umaangat na ang ating mga kahinaang Pilipino pagdating sa ekonomiya ng bansa. Tuluyan na ngang natutupad ang pinapangarap ng mga Pilipinong umunlad ang ekonomiya. Dahil na din  yan sa pagkakaisa ng mga Pilipino at pamumuno ng mga nasa mataas na posisyon. Ayon nga sa medya, marami ng magagandang pagbabago sa ating bansa tulad ng pagtaas ng GDP at ang paglago ng ekonomiya. Patunay dito ang mga nagsisitayuang mga gusali, pabrika, at iba pang pasilidad na nakakapaglikha ng mga serbisyo at produktong nagpapataas sa ating ekonomiya. Idagdag mo pa ang parami ng parami na pagpapatayo ng negosyo maging ng pagpapagawa ng modernong mga transportasyon. Pati ang mga usapin sa pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto sa bansa kasama ang edukasyon at pagkakaroon ng trabaho ay nakakatulong sa paglago ng ekonomiya. Dahil dito, maaaring masolusyonan ang problema sa kahirapan.       

          Gayunpaman, inaasahan ng mamamayang Pilipino ang patuloy na pagtaas ng ekonomiya at lalo pang mapagbuti sa hinaharap upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Malaking bagay ang pagkukusang-loob sa pakikipagtulungan at pakikiisa upang patuloy nating maiangat ang ekonomiya ng bansa.